| Artist: | Tagalog Hymns (Tagalog) |
| User: | Ann Jenette Mallari |
| Duration: | 130 seconds |
| Delay: | 12 seconds |
| Chord names: | Not defined |
| Abusive: | |
| Comment: | - |
[V1]
O Haring Diyos, ang aking namamalas
Na kariktan ng sangnilikha Mo;
Araw, bituin, mga bundok at dagat
Patunay sa kapangyarihan Mo
[Chorus]
Kaya’t umaawit ang puso ko
Nagpupuri, O Diyos sa Iyo;
Dinadakila Ka’t sinasamba;
O Haring Diyos, dakila ka!
[V2]
Kapag ako’y namamasyal sa parang,
Paghuni ng ibo’y naririnig;
At pagtanaw mula sa kabundukan,
Nadarama ang hanging kay lamig.
[V3]
Hindi natin mauunawang tunay
Dakila Niyang pag-ibig sa atin;
Doon sa krus si Kristo’y nabayubay
Upang katubusa’y ating kamtin.
[V4]
Balang-araw, magbabalik si Kristo,
At sa langit tayo’y isasama
Walang hanggang mag-aawitan tayo
Ihahayag kadakilaan Niya.