Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
User: | Ann Jenette Mallari |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
196 Awit Ng Pasasalamat
(Thanks To God)
I
Aming Dios, dahil kay Cristo, Ay salamat sa Iyo;
Araw na inaalala, Pagpupuri ang badya;
Ang mga taong lumipas, Natigib man ng hirap,
Dahil sa Iyong kalinga Ay lipos pagpapala.
II
Sa dalanging tinugon Mo, Dios, salamat sa Iyo;
Sa madlang kapighatian, Dulot Mo'y kaaliwan.
Nang dumalaw ang pagsubok, Tinulungan Mong lubos;
Di malirip, di masukat Ang pag-ibig Mong wagas.
III
Sa mga dusa't hilahil, Aming Dios, salamat din;
Pananalig ay tumibay Sa Iyong pagmamahal.
Ang tahana'y pumayapa Nang sa Iyo magtiwala;
O salamat sa pag-asang Langit ang hahantungan!
IV
Dios, salamat sa sambahan At kapatirang banal;
Sa pastor na nangunguna, At sambahayan niya.
Bigkisin kaming mainam Ng Iyong pagmamahal;
Ngalan Mo ay pupurihin Hanggang langit ay datnin!