Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
User: | Ann Jenette Mallari |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
I
Angheles ay nag-awitan: "Ang Mesyas ay sumilang!"
Kaligtasa'y Kanyang dulot, Tao'y naugnay sa Dios.
Sansinukob ay nagdiwang, At sampu ng kalangitan;
Ihayag sa balana Ang Mesyas ay sumilang na.
Angheles nag-awitan: "Ang Mesyas ay papurihan!"
II
Ang Cristong tampok sa langit, Dios ng awa't pag-ibig;
Sa takdang kapanahunan, Sa mundo ay sumilang.
Si Cristo'y Dios na totoo Ngunit Siya'y nag-anyong tao;
Nakisama sa atin Si Jesu-Cristong Emanuel!
Angheles nag-awitan: "Ang Mesyas ay papurihan!"
III
Hari ng kapayapaan Ay ating papurihan,
Kaliwanagan ay dulot Sa buong sansinukob.
Langit ay Kanyang iniwan At sa ati'y nakipisan;
Sa Kanya ang manalig, Patawad ay makakamit;
Angheles nag-awitan: "Ang Mesyas ay papurihan!" Amen.