| Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
| User: | Ann Jenette Mallari |
| Duration: | 130 seconds |
| Delay: | 12 seconds |
| Chord names: | Not defined |
| Abusive: | |
| Comment: | - |
I
Kabanal-banalang Dios na maalam-
Maaga Ka naming pinapupurihan;
Batis ng pag-ibig at ng kaawaan,
Tatlong Persona- Dios na marangal.
II
Kabanal-banalan Lahat Mong nilikha,
Sa kataasan Mo'y nagpapakumbaba;
Kahit mga anghel sumasambang kusa
At pagpupuri'y ibinabadha.
III
Kabanal-banalan Kahit ang karimlan,
O ang kasalana'y di makahahadlang
Sa 'ming pagkaalam ng Iyong kaganapan,
Sa pag-ibig Mo at kabanalan.
IV
Kabanal-banalan, Makapangyarihan-
Pinupuri Ka ng lahat Mong nilalang;
Lupa, langit, dagat at nananahanan;
Tatlong Persona, Dios na marangal! Amen.