| Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
| User: | Ann Jenette Mallari |
| Duration: | 130 seconds |
| Delay: | 12 seconds |
| Chord names: | Not defined |
| Abusive: | |
| Comment: | - |
I
Pag-ibig ng Dios ang tumubos,
Sa akin ay kumupkop;
Hinanap Niya akong sa sala'y naligaw,
Iniligtas na tunay.
II
Dahil sa pag-ibig Niyang banal
Takot ko ay naparam;
Anong laking galak ang sumapuso ko
Nang pasakop kay Cristo.
III
Pag-ibig ang sa 'ki'y nagligtas
Sa panganib at hirap;
Pag-ibig din ng Dios ang siyang maghahatid
Sa 'kin doon sa langit.
IV
Kung tayo ay nasa langit na
At Dios ay sinasamba;
Pag-ibig Niyang wagas ating isasaysay
Doon magpakailanman.