| Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
| User: | Ann Jenette Mallari |
| Duration: | 130 seconds |
| Delay: | 12 seconds |
| Chord names: | Not defined |
| Abusive: | |
| Comment: | - |
I
Angheles, lupa'y dalawin,
At balita ay dalhin
Na ang Mesyas ay sumilang,
Ang dulot ay kaligtasan.
Koro
O purihin, Luwalhatiin
Si Cristong Hari natin! (Amen.)
II
Nasa parang na pastores,
Ulinigin ang awit;
Dios sa tao ay dumalaw
Upang tayo'y bigyang Ilaw.
III
O mga pantas na tao,
Atas ay dinggin ninyo:
Hayo at inyong dalawin
Ang Haring nasa Betlehem.
IV
O lingkod ng Dios, magdiwang,
Dulot Niya'y kasiyahan;
Sa pangako Niya'y umasa,
Ang Hari ay sumilang na!