Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
User: | Ann Jenette Mallari |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
I
Kay tahimik ng paligid Sa gabing marikit;
Ang isang Birhen ay nagsilang
Ng tanging Sanggol sa sabsaban;
Paghimlay ay payapa, Paghimlay ay payapa.
II
Kay tahimik ng paligid, Angheles umawit;
Ang tanang pangamba'y naparam
Sa balitang sakdal ng inam:
"Dumatal na ang Hari," "Dumatal na ang Hari"
III
Kay tahimik ng paligid, Ang badya'y pagibig;
Dios ay nagbigay ng biyaya;
Dinggin ang magandang balita:
"Ang Mesyas ay sumilang," "Ang Mesyas ay sumilang!"
IV
Kay tahimik ng paligid, Tala ay namasid;
Mga mago ay nagsihanap
Sa Sanggol na Tagapagligtas-
Si Cristong Manunubos, Si Cristong Manunubos! Amen.