Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
User: | Ann Jenette Mallari |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
I
Hari ay putungan- si Cristong Cordero,
Pakinggan ang hukbo ng anghel na nag-aawitan;
Siya ang Panginoon at Manunubos ko,
Atin Siyang luwalhatiin- Haring walang hanggan.
II
Cristong Anak ng Dios Ating dakilain,
Pagliligtas Niya'y ipahayag sa sangkatauhan;
Naghirap Siya sa krus nang dahil sa atin,
Bawat manalig sa Kanya ay may kaligtasan.
III
Si Cristo ang Haring nagbibigay buhay,
Sa libingan Siya'y nagtagumpay puspos ng luwalhati,
Ngayo'y nakaluklok sa tronong marangal,
Walang hanggan tayong kasama Niyang maghahari.
IV
Putungan si Cristong Hari ng pag-ibig,
Sa Kalbaryo'y kusang namatay nang tayo'y maligtas;
Kaya't ang ngalan Niya'y paksa ng pag-awit,
Kaluwalhatian Niyang taglay ay di magwawakas. Amen.