Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
User: | Ann Jenette Mallari |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Default |
Abusive: | |
Comment: | - |
I
Ang aking pag-asa'y lubos
Na nakasalig kay Jesus;
At ang dugo Niyang dumanak
Sa aking sala'y panghugas.
Koro
Si Cristo ang sandigan ko,
Siya ang matibay kong Bato,
At kanlungan pag may bagyo.
II
Kahit danasin ko'y hirap,
Biyaya Niya'y laging sapat;
Pag dumagsa ang pagsubok,
Ang tatawaga'y si Jesus.
III
Kung puso ko'y nalulumbay,
Siya ang aking kaaliwan;
At pag ako'y nanlulumo,
Pangako Niya'y pag-asa ko.
IV
Pag trumpeta'y hinipan na,
At pagdating Niya ang badya;
Tayo nawa'y masumpungang
Kabanalan Niya ang taglay.