Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
User: | Ann Jenette Mallari |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
I
Makulay ang buhay na binago ni Cristo,
Galak at tagumpay ang siyang matatamo;
Laging may ngiti umaraw man o bumagyo,
Payapa ang loob kahit saan magtungo.
II
Ang buhay na sa Panginoo'y nawawalay,
Yagit ang katulad at walang kabuluhan;
Ngunit ang ilapit sa kay Cristong paanan,
Lahat ay naayos at nabagong lubusan.
III
Ang buhay ay kay dilim walang katiyakan
Sa taong makasalanan at naliligaw;
Subalit kapag kay Cristo siya mananangan,
Pag-asa't kaligtasa'y kanyang makakamtan.
IV
Si Cristo ang tunay na ligaya ng buhay;
Pag-ibig Niya'y wagas at walang kapantay;
Kaya nga't lumapit at Siya'y naghihintay,
Hayaan Siyang maghari sa iyong buhay.