Artist: | Francis M (Tagalog) |
User: | benlois |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Default |
Abusive: | |
Comment: | - |
Salamat, pareng Boy.
May mga grupo ng mga kabataan ang iniibestigahan sa mga oras na ito
hinggil sa nakumpiskang apat na kilo ng shabu.
Ang mga kabataan na ito'y matagal nang under surveillance, pareng Boy.
Magpasahanggang ngayon ay sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang mga
pangalan ng suspects at kung saan nanggaling ang nasabing shabu.
Ito po si Lenny Cruz nag-uulat para sa Brown Radio.
I've got a story that I gotta tell
Kwentong pang-tropa but I only mean well
For the good of the kabataan, I mean youth
Who are wasting away dahil sa shabu
Poor man's cocaine, some call it chase
Puff the magic dragon all the way
To your lungs, ito, anay sa laman
May foil, may burner, tooter na lang ang kulang
Pwes, gumawa o manghiram
At 'pag ayos na'y ating sindihan
Ang sarap, feel the rush to the head
It makes you crave for more of it instead of food
pagbilan ng piso o katorse
one half or one gram, tumataas ang dosage
Lalo lang nalunod at saka ka nabaon
Sa utang, kawawa naman at malaon
At patay ang utak ng tropang kupas
Makinig sa akin at ako ang lulutas
Ng problema nila, ng tropang gising
Ang kasaysayan ng mga praning
Praning #1 ay artista pa naman
Multi-awarded, idolo ng karamihan
'Di niya nakayanan ang fame at kayamanan
Marahil insecure at balang araw masapawan
Ng bago o mas gwapo at mas mabango
Sa producer at sa press, lalong na-depress
Nainggit, he tried it, gumamit, he took it
Bumatak ng pahamak sa parak at sumabit
Gang busted at nasa kalaboso
Naging paranoid at naging suspityoso
Ngayo'y nakakulong at kami'y nanghihinayang
Sayang, si Praning #1
Praning #2, graduate ng beauty school
Maraming bagets at boys, I mean new kids on the block
At siya'y part-time pusher
bugaw ng babae, number one hairdresser
He seduce and use and even introduce
girls to the boys while making them use the
Drug, you can call it crystal methane
You can call it want you want but it's all the same
One day, he was robbed and stabbed seven times
His boyfriend left the scene of the crime
Patay ang bading ng dahil lang sa shabu
'Wag sanang tularan si Praning #2
Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Laging gising, laging gising, laging gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Praning #3 ay gustong mag-artista
Gustong maging bida, kay direk siya naniwala
Gumawa ng pelikula, ang tema ay bastos
Isa palang pelikula ang dapat nang idaos
Ng kakawang starlet ang kailangan niya'y gamot
Na dapat ratratin upang siya'y makalimot
Ng bagay na 'di nais na mangyari binabalak
Sa sinapit ng ilan at siya'y biglang nawala
Ang isip kumitid, sa shabu'y sumisid
Ang isip ng flip ngayo'y lumiligid
Sa Ermita nagbebenta, 'di kaya
Sa Mabini ang katawan ang kawawang Praning #3
Praning #4 ay mahilig sa pagtulog
Pero ayaw namang aminin na siya'y nalulong
Patikim-tikim, kung tumira'y palihim
Pero 'di niya akalain na siya'y sasamain
Palad, unti-unting sumabog ang lagim
Biglang napikutan ang barkadang praning
Isa isang na-bust o pinasok ng magulang
Pumiyok sa parak, nandamay ng pangalan
Ng source na may, basta't dinampot na lang
Dinala sa dilim, walang awang pinaslang
Nagtatago na siya't ayaw nang umiskor
Sindikato ang kalaban ni Praning #4
Praning #5 ay magaling na musikero
gitara o piyano magaling umareglo
ng musika, isang kinikilala sa industriya
pero mahina ang tiwala sa sarili gumagamit gabi-gabi
di natutulog dahil trabaho ay marami
nagpabaya sa katawan biglang pumayat
kung kumain minsan, ngayong butot balat
di makapag isip at ayaw nang umandar
ang utak ni sikat dahil sa lahat
inatake sa puso fifty-fity ang lagay
nasa basement naka ratay si praning #5
Laging gising, laging gising, laging gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Laging gising, laging gising, laging gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
si praning #6 executive sa Makati
mayaman ang pamilya kilala ng marami
maraming trabaho pagdating sa negosyo
eh kaso meron palang itinatagong
baho gumagamit ng bato ang gagong
yuppie di matigil, nangigigil sa gramo
ano kamo? pare i'm under stress
pwes so i gotta use s
yes yes oy kahit maubos ang pera
imbes na i-invest, binatak ang kwarta
i guess business and vices just won't mix
i need a fix that was praning #6
praning # 7 nakaupo sa pwesto
malakas sa itaas kung humawak ng kaso
walang talo lahat ay kaya niyang lagyan
ng ganito at ng ganon si ganyan
may nahulik tulak sa aming bayan
dinala ng parak sa loob ng piitan
lumaya kaagad, kay bilis! nanaman?
gumawa ng paraan, paano? di ko alam.
pero parang alam ko kung sino ang dapat ikulong
kasi marami ang napapahamak.
the war against drugs is lost once again.
clap your hands, praning #7
Tropang gising ang mga praning
Laging gising ang mga praning
Tropang gising ang mga praning
Laging gising ang mga praning
Ngayong alam n'yo na marahil ang istorya
Ng mga taong nagpagamit sa droga
Hindi lang isa, dalawa o tatlo
Hindi pito kundi libu-libo
Ang nasira, natalo, namatay, nagutom
Nawalan, nakulong, nagpagamit at naloko
Shabu, batak, crystal methane
Anay sa laman, poor man's cocaine
Sa unang tira, 'di mo mapapansin
Ang tama ng Methamphetamine
Hydrochloride, suicide assorted
'Yan ang mangyayari 'pag gumamit ka ng S
You gotta stop and not your gonna stumble
Down, walang maitutulong ang bato
(Eh, gumamit na lang kayo ng pito-pito, eh)
O ano, tatanga ka lang ba d'yan
Baka abutin ka lang ng siyam-siyam
Umpisahan nang itigil ang salot ng bayan
Titigil ka lang ba 'pag ika'y pinaglamayan
Dinaanan ko na ang buhay ng patay
Impyerno ang hatid nito kapag ang panay
Gamit ng shabu, dumalangin
Na 'wag maging isa sa mga praning
Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Laging gising, laging gising, laging gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Laging gising, laging gising, laging gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Songwriters: Francis Magalona / carlo sison / noel macanaya