Artist: | Gloc 9 (Tagalog) |
User: | jury sadaya |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
Intro: C#m-B-A-G#7-;
Chorus
C#m
Kayo po na nakaupo
B
Subukan n'yo namang tumayo
A
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo
G#7
Ang tunay na kalagayan ko
Ganito kasi yan eh...
(Do chord pattern: C#m-B-A-G#7)
Tao po, nandiyan po ba kayo sa loob
Ng malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka-barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala
Kung tutong at ang kanin ay singputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang taong nagmamay-ari ng isang upuan
At kung may pagkakataon ay pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lang siya ay aking sisigawan
(Repeat Chorus)
(Do chord pattern: C#m-B-A-G#7)
Mawalang galang na po sa taong naka-upo
Alam n'yo bang pangtakal ang bigas namin ay di puno
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na hindi kayang bilihin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takureng uling-ling
Gamit ang panggatong na inanod lamang sa estero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lamang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang pa rin, ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapon ay pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera n'yo walang doktor
Na makapagpapalinaw ng mata n'yo
Kaya...
C#m
Huwag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
B
Ang matamaa'y wag magalit
A
Bato-bato bato sa langit
G#7 C#m
Ang matamaan ay huwag masyadong halata
B
Huwag kang masyadong halata
A
Huwag kang masyadong halata
G#7
Huwag kang masyadong halata
Coda: C#m-B-A-G#7-; (2x, fade)