Artist: | Jaks (Tagalog) |
User: | Jariel Sarim |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
Tabi po! Tabi po!
Intro: ( Gm D) x 2
I: paulit-ulit na ( Gm D7)
Naglakad ako sa daang putikan
sa sobrang dulas ay napilitang magyapak
Hinubad ko ang bagong sapatos ko
tinali sa aking bakpak
Gumapang paakyat sa putik at bato
at nakarating sa balikat ng bundok
Naglakad paloob sa makapal na kahuyan
nakarating sa daang madamo
Nang sapatos ko’y isusuot na sana
kanan na lamang ang natitira
Kung saan naman nakarating ang kaliwa’t
binalik-balika’y ‘di pa rin makita
Ano ngayon, ano ngayon ang gagawin ko?
Iisa na lamang ang sapatos ko
Ito na ba yung sinasabi nilang pinaglaruan?
Refrain
Gm Bb D7
Tabi po! Tabi po! Palabiro!
Mapaglarong engkanto!
Gm Bb D7
Tabi po! Tabi po! Palabiro!
Mapaglarong engkanto!
Gm Bb D7
Tabi po! Tabi po! Palabiro!
Mapaglarong engkanto!
Gm Bb D7
Tabi po! Tabi po! Palabiro!
Tulay = Intro
II = paulit-ulit na ( Gm D7)
Sa awa ng Diyos ako nama’y nakarating
sa pook-tulugan, takipsilim na
Inabutan ng antok dala ng pagod at dilim
at hihigan ko’y inilatag na
Nang ang mga mata ko ay pumipikit-pikit
biglang nagliwanag ang langit
Ako’y tumingala at ang nakita ko
‘di-mabilang na bituing nanggigising
‘Sang korong kuliglig nag-awitan bigla,
‘sampangkat ng palaka nagkokokak-kokakan
Mga dahon at sanga nagpalakpakan –
paano matutulog niyan?
Repeat Refrain
Awitan ng palaka at kuliglig = paulit-ulit na ( Gm D)
III = paulit-ulit na ( Gm D7)
Sa awa ng Diyos ay nakatulog din ako
dikit sa lupa’t himbing na himbing
At ang una kong nakita sa pagdilat sa umaga’y
‘samparis ng sapatos kamukha nung akin
Bumangon ako’t tiningnan ang sapatos
walang kaduda-duda na sa akin nga ito!
Kumpaano nabuo, ‘di ko po alam
ito na nga siguro yung pinaglaruan!
Gm Bb D7
Uminom ako sa ilog, nguni’t lalong nauhaw!
Gm Bb D7
Naupo sa batong malaki ‘yun pala ay kalabaw!
Gm Bb D7
Hinanap ang daang pababa, nguni’t lalo akong
Gm Bb D7
nawala! Tabi po!
Repeat Refrain x 2
Tabi po! Tabi po!